Ligtas Na Bayan Maunlad Na Pamayanan Essay Tagalog Examples

The Winning Essay : Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan

Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan

By: Hannah Joy G. Pelonia

Sta. Rosa Science & Technology High School

Grade 7- Copernicus

Ano ba ang sakuna? Ano ang iba’t ibang klase ng sakuna? Paano makakapaghanda ang kabataang kagaya naming sa oras ng sakuna?  Iyan ang ilan sa mga tanong na naiisip ng mga kabataan kapag narinig ang salitang sakuna.

Ako bilang isang mag-aaral ng Sci-Tech ay mayroon ding nalalaman tungkol dito. Sakuna ay isang hindi inaasahang pangyayari. May dalawang klase nito. Ang una ay “natural disaster” o mga sakunang gawa ng Inang Kalikasan. Halimbawa nito ay pagguho ng lupa o sa ingles ay “earthquake” .  Ito ay nangyayari sa paggalaw ng “technonic plates” sa lupa. Nagdudulot ito ng pagkasira ng iba’t ibang imprastraktura at pananim o kaya naman ay nagdudulot din ito ng kamatayan sa mga taong tulad natin. Isa pang klase ng sakuna ay ang “man-made disaster” o gawa ng tao.  Isa sa “man-made disaster” ay ang pagbaha dahil sa pagpuputol ng puno at kung saan-saan na pagtatapon ng basura.  Ang pagbaha ay isang nakakatakot na pangyayari lalo na ang pagbaha sa Aplya at Sinalhan. Sinasabing umabot sa tao o lampas tao ang baha duon. Ngunit ang mga sakunang ito ay mapaghahandaan o maaring iwasan.  Mayroong National Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ni Roberto Gasmin na handang tumulong sa kahit anong sakuna. Andyan din si Mayor Arcillas na handang tumulong sa mga nabiktima ng nasabing sakuna. Subalit bilang kabataan ay mayroon din tayong dapat gawin sa abot n gating makakaya. Maari tayong makapaghanda sa nalalapit na sakuna. Gaya ng paghanda o pagkakaroon ng emergency kit sa ating kani-kaniyang bahay. Maari rin nating i-apply” ang natutunan natin sa paaralan tuwing nagkakaroon ng mga “drill”.

Tuwing “earthquake drill” ay may tatlong bagay na lagging pinagagawa sa atin, ito ay duck, cover, and hold.  Maari natin itong magamit sa tuwing magkakaroon ng sakuna at nasa loob ng isang gusali.  Dapat  ay lagi ring nakaayos ang ating mga gamit at alam kung saan ito nakalagay para kapag dumating ang di inaasahang pangyayari ay handa na tayo at alam kung ano ang dapat dalhin .  Kung nasa paaralan naman ay dapat alam natin ang “fire exit” o kung anu-anong pasikot-sikot sa paaralan.  Tuwing “earthquake “ o sa oras nito ay dapat hindi mataranta sa halip ay kumalma at gawin ang mga nakasaad sa itaas. Umiwas rin sa malalaking gusali  pagkatapos ng pagguho dahil maaring magkaroon ng “aftershock” na magiging sanhi ng pagkamatay.  Handa rin naming tumulong ang pamayanan sa mga ganitong pangyayari.

Hindi sa lahat ng oras ay ang gobyerno ang laging kikilos. Kailangan rin bilang isang mamamayan ay marunong tayong maghanda o umintindi na ganitong pangyayari .  Disiplina ay dapat taglay ng isang mamamayan. Marunong sumunod at higit sa lahat ay mayroon tayong alam sa pangyayari.  Magiging maunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay may disiplina at tumutulong sa gobyerno upang mapaunlad pa ang bayan. Kaya nga sabi nila, kung may gagawin kang isang bagay, ay dapat ayusin mo ito upang sa huli ay hindi ka magsisisi.  Ligtas na Bayan para sa Maunlad na Bayan.

Like this:

LikeLoading...

Related

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa signal No.1 ang bagyo kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30-60 kph na aasahan sa loob ng 36 oras.

-Hindi pa gaano malakas ang bagyong nasa signal No. 1 at maaaring makapagdulot ng bahagyang pinsala lamang sa mga bahay na gawa sa light materials. Maaari rin itong makasira ng mga sanga ng puno.

-Signal No. 2 naman kapag nasa 61-120 kph ang bilis ng hangin na maaaring asahan sa loob... ng 24 oras.

Posible rin mangyari ang storm surge sa mga coastal area. Light to moderate ang pinsala na maaaring maidulot nito at maaaring makapagtanggal ng mga bubong ng bahay at ang mga hindi matibay na itinayong constructed sign at billboard.

Maaari rin ito magtangay ng mga puno ng saging at mangga, maapektuhan ang mga taniman ng mais at mga palayan.-

-Signal No. 3, inaasahan ang hangin na may bilis na 121-170 kph sa loob ng 18 oras. Matindi ang pinsala na maidudulot nito lalo na sa mga lumang gusali at tirahan na gawa sa light materials.

Maaari rin ito maghasik ng bagsik sa industriya at agrikultura. Ang taglay na lakas na ito ay maaaring makapagtangay ng malalaking puno tulad ng acacia at manga, pati na rin ang puno ng mga saging.

-Signal No. 4 kung ang bilis ng hangin nito ay 171-220 kph na maaaring asahan sa loob ng 12 oras. Matindi at mabagsik ang pinsalang maidudulot nito. 75 porsiyento na mga bahay na gawa sa light materials ang maaaring sirain nito at tangayin ang mga bubong ng mga bahay at magdulot ng pagkasira ng mga pader. Tuluyan ding tatangayin nito ang mga billboard sa mga lansangan.

Sa taglay na lakas, pipinsalain nito ang buong plantasyon ng saging, buko, palayan at mais pati ang pagtangay sa mga puno ng mangga at iba pang malalaking puno.

-Signal No. 5 kapag ang taglay na hangin nito ay may bilis na 220 kph sa loob ng 12 oras. Maaaring magkaroon ng storm surge na higit tatlong metro ang taas sa mga baybaying lugar.

Malawak at mabagsik ang pinsalang maiiwan nito. Matinding pinsala sa mga bahay na gawa sa light materials pati na rin sa mga industrial buildings. Magdudulot din ng pagkasira sa mga serbisyo sa kuryente at komunikasyon. Inaasahan na sa taglay na lakas nito, masisira ang lahat ng mga billboard o road sign sa lansangan.
Cr. Public Storm Warning Signal

See More

0 Thoughts to “Ligtas Na Bayan Maunlad Na Pamayanan Essay Tagalog Examples

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *